Saturday, December 11, 2010

Ang bilis...ang bilis

Haaay, nakaka miss mag salita gamit ang sariling wika...
utang uta na ako kaka ingles... nakakapagod... pero di ako susuko dito.

Parang kelan lang, March 2010, buwan kung kelan umalis ako ng pinas... ngayon dec 2010 na, ilang buwan na din pala nakalipas...

tatlong buwan na din pala ang nakalipas nang mag break kami ni Linus kasi d ko alam kung kailan ako makakabalik, masyado nang kompikado kaya pinakawalan ko na... kaso di ko pa napapakawalan e may nakasungkit na agad... hahaha xD

mabaliw baliw ako nun (kunyari ang hindi) kaya sumali akong e-harmony. Ayun, mabilis kong nakalimutan si Linus at nainlove ako sa isang lalaking nag ngangaang Anthony. ang bilis ng pangyayari, October 8 kami ni Linus nag break, tapos nag meet kami ni Anthony ng October 11 ata yun tapos nainlove ako ng todo todo... kaso hindi din nag tagal, msyado maraming kapalpakan. ang daming alibi ayaw na lang diretsohin na ayaw sakin. Nakaka banas.

haaay... as of now.... ^_^

move on!

No comments:

Post a Comment